Panimula :
Ninais ni Jona na ilathala ang nasabihing sensitibong bagay na ito upang magsilbing aral at gabay sa mga kaibigan at sa ibang nagbabasa sa blog na ito hingil sa nasasabing sakit na Herpes Zoster. Hindi niya inaakusahan ang nasasabing matanda sa kuwento hingil sa sakit. Ito ay isa lamang sa mga kuro-kuro niya.
Bagamat hindi niya alam kung paano dumapo ang sakit na ito may mga bagay-bagay siyang naisip kung paano ito nag simula. Uumpisan niya ang pagkukuwento hingil sa encounter niya sa isang matanda sa kalsada.
Ang sumusunod ay mga kuro-kuro niya ay kung paano dumapo ang Herpes Zoster sa kanya. Ang unang kuro-kuro ay ang susunod:
Ang Matandang Ali at ang Mahiwagang Kamay
Araw ng sahod iyon kaya nasa Ayala Center Cebu si Jona sa ATM ng BDO para mag widthdraw ng pera. Dumaan sa The Terraces patungong Marriott Hotel. Sa daan patawid tungo sa Hongkong and Shanghai Banking Corporation (HSBC) ay may isang matanda na tumawag sa kanya. Ang Ali ay nasa mga 50′s or 60′s na. Tumigil naman si Jona para pakinggan ang tanong ng matanda.
“Dong! Kung padayunon naku ni nga dalan paduong ba ni sa Cabantan?“, ang tanong ng matanda habang tumapik ang kanang kamay nito sa kaliwang braso niya.
“Oo. Paduyon lang manang. Diritso ra ni nga dalan paduong Cabantan“, ang sagot ni Jona habang ninanais nitong tumapik saglit din sa matanda.
Naisip kasi ni Jona ang mga kuwento-kuwentong ng kung sino man ang hindi mo kakilala na kausap mo, dapat gumanti ka sa kanila sa tuwing tatapik sila sa iyo. Baka daw may curse ang pagtapik nila.
At dahil nga nag mamadali si Jona, ang mga ito ay naisip lang nya ng nasa gitna ng kalsada na siya. Ang mga sasakyan ang humaharang na humaharurut na nagpipigil sa kanya bumalik sa matanda para batukan! Joke lang, inappropriate iyon, nagtanong lang naman ang matanda. Ang ipanagtataka nga lang niya ang kung bakit mayroon nakasalubong na naman ang matanda at nagtanong ulit ito sa kaparehong tanong na sinagot na niya.
Kever! Tumawid na si Jona sa kabilang kalsada patungo sa HSBC building. Dapat makabayad na siya sa nalulunod niyang utang dahil due date na bukas!
Habang tumatawid siya ay napuna niya ang kanyang braso na tinapik ng matanda. Nag gesture ito na parang si Manny Pacquiao sa commercial nitong ‘Pooling Hair?!’. Nanghihinayang na hindi naka tapik pabalik sa matanda.
Inisip na lang ni Jona na nasa modern world na siya. Ang mga kuwento-kuwentong curse-curse ay panahon na lamang nila lolo na nililimot na ng panahon.
Ano ang Herpes Zoster?
http://en.wikipedia.org/wiki/Herpes_zoster